September 21, 2013

Ang Pakay ng Buhay


Sa maliliit at malalaking mga pangyayari sa buhay nakikita natin ang isang napakalaking sugat ng sangkataohan ay ang paglakbay sa buhay na parang walang saysay, na parang walang pakay, na parang walang direksyon. At yun namang iba na nagsasabi “ako! Mayron akong pakay sa buhay” pagtiningnan mo naman! Ano ba nga ang kanyang pakay? Mukhang hindi tunay at wagas. Ang pagsimula ng pagninilay ang tinatawag na ‘first principle and foundation’ nagsimula sa ganito; ang tao ay nilalang upang papurihan, igalang, at paglingkuran ang Diyos. At sa pamamagitan Niya ay matatagpuan ang kanyang ganap na buhay. We were created to praise, to revere, and to serve God, and by doing so - find our salvation. This language might be; some people would say ‘medieval’, but the truth, that this conveys quite eternal. 

Bakit tayo nandito? Ano ang pakay mo sa buhay? – ang tao ay nabubuhay para sa buhay ng pagpupuri sa Diyos! 

Ang ibang mga tao ang kanilang mga mukha ay parang nilalang sila, para maging desperado – hindi! Tayo ay inilalang para maging buhay na pagpupuri sa Diyos! Pero hindi lamang nagpupuri, gumagalang, nangangayupapa, nagpapatirapa, lumuluhod, nagpapakababa sa harapan ng ating nakahihigit!

Subalit ang pagpupuri at pag-galang ay umuuwi sa paglilingkod – ‘narito ang iyong abang alipin, isugo mo ako kung saan mo man ako ibig maglingkod, narito ako’ kung titingnan natin yan ang pakay pala ng buhay ay sumaibayo sa ating sarili. 

If we look at the three key words: to praise God, to reverence God, to serve God, the purpose of the human person is to get out of our confinement, to get out of our shelves, to get out of ourselves, and to reach out to God, in praise, in reverence and in service. And it is only by loosing ourselves that we find our true selves – Salvation! Life! 

Ang ibang tao pag tinanong ano ang pakay mo sa buhay? Ang sagot, gusto kong umasenso, gusto kong maging sikat, gusto kong yumaman – Patay! Sayang! Kasi pagkatapos ng ilang taon ang mata mo at puso mo ay kulong parin, bihag parin ng iyong sarili. At yan ang napakadaling daan para masira ang sarili at masira ang lipunan.

If our purpose is clear, and it is not directed to self promotion and self propagation, then we can really be an asset to society and to the world. We must go back to the purpose of our existence! Bakit isang simpleng kwento tungkol sa isang simpleng tao kung minsan ang tama ay sakalaliman? Saan natin makukuha ang tinatawag na ‘kalaliman’? – finding God in all things! Dahil ang Diyos ang puso, ang kalaliman ng lahat ng nilalang, ng lahat ng nangyayari, ng kasaysayan ng mundo, ang isip at puso na dahil malinaw ang kanyang pakay ay hinahanap ang Diyos, o kaya rin naman, nagpapahanap sa Diyos. 

Sa mga oras na parang ang labo ng pakay ng buhay, sa mga oras na parang hindi natin Siya makita, baka naman, Siya ang naghahanap sa atin! Bahagi yon ng kalaliman!

May mga nagsasabing ‘ako ay nawawala’ ang sagot siguro ‘maghintay ka lamang hangga’t ika'y matagpuan’. As we are searching for God, God is searching for us. That profound humility, that depth of ‘seeing’ God, hearing God, loving God in all, and following God even in the darkness of our life! Hoping and believing that the one that we are searching is searching for us!

Sana, itong kalaliman ay magbibigay ng kahulugan sa paghahanap ng napakaraming tao. Yung mga tao na parang lagi nalang nababara ang paglalakbay. Sana ang ating natutunan at pinamana sa atin, hanapin Siya sa lahat ng oras, at kung hindi natin mahanap - maniwala na Siya’y naghahanap sa atin. Ito ay magbibigay lakas ng liwanag at ng katatagan sa maraming tao. 

Damhin ang pag-ibig ng Diyos, sa pamamagitan Niya na naging handa na ibigay ang lahat para sa atin. Ganyan tayo kamahal – lahat ibibigay! At tanongin mo ang sarili mo: ‘ano naman ang maibibigay at magagawa ko para sa Kanya?, at ano naman ang magagawa ko para sa iba dahil minahal ako ng Diyos, minahal ako, kaya, kaya kong magmahal. Wag sabihing hindi ko kaya, dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa aking puso, may kakayahan ako magmahal sa di ko kayang mahalin! minahal ako ng Diyos, magmahal ka naman sa iba!’

But we have to be attentive to the suffering of the world. Even when they do not verbalized their suffering, these people have many ways of communicating their suffering. People with problems seek for solutions, but people in a situation of dilemmas will look for meaning, will look for sense. And that is where compassion enters. Hindi natin masolusyonan ang lahat ng problema sa mundo, pero ang maraming tao hindi problema ang dala-dala sa buhay kundi mga kabalintuna-an, mga problemang hindi mawala-wala kasi wala silang solusyon. At papano mahahanap ang katuturan, kahulugan sa gitna ng mga  problema ng buhay? – tell stories of courage, valour, of dignity, of nobility, and they are strengthen to move on! But how can we tell stories if we don’t listen to stories? – listen to people, listen to the cries of the poor and little ones!

Bakit ba yung mga tao na hindi makawala-wala sa dilemma sila ang may lakas, sila ang mayroong kaligayahan? At yong mga tao na ang mga problema ay cute na cute sabi - ‘ano kayang sapatos  ang tutugma sa aking suot na damit?’ – yan ang mga hindi kayang lumigaya!

The story of Jesus encountered dilemmas, but taught us how to turn these dilemmas into opportunities for meaning, for strength. He who turned the night of betrayal into another opportunity for self-giving. ‘Oh Judas you don’t have to sell me for thirty pieces of silver, you don’t need to sell my body, for this is my body given up for you, this is my blood to be poured out for you’. And who turned this dilemma of death, this darkness of death into an opportunity for new life, not only for Himself, but for all of us. Ito yong kwento ni Jesus, na tumatahi sa kwento natin. At sa ating pakikinig sa mga kwentong ‘to, na magiging kwento rin natin sa iba, sana ang mundo natin ay magiging mas mahabagin, mas makatao, mas nakikinig, mas nakiki-iyak at nakikilakas sa kapwa.

At sa pamamagitan nyan, naway marami pang tao lalo na ang bansang Pilipinas, ay manumbalik sa tunay na pakay ng buhay papalabas sa sarili. Madiskubre natin ang malalim na katutuhanan ng kasaysayan dahil nandoon ang Diyos, at mapakinggan natin ang mga kwento ni Jesus sa mga simpleng kwento sa mga mahihirap at mabababang tao. At sa pamamagitan nyan, makapagpahayag tayo ng wagas na pag-ibig sa iba. Lahat ng ito ay ating gagawin, hindi para sa sarili natin at sa ating ikatatamo ng tugatug o ng kaligayahan - isa lamang; for the greater glory of God!

Inspired by His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle





No comments:

Post a Comment

The Sun

...